2019-02-05
Year of the... Pig? Youth?
Happy Year of the... PIG!
No... Year of the YOUTH!
Wait, don't we see both of them similarly many times?
Tingin natin sa baboy, palamunin.
Tingin natin sa mga kabataan, gayun din.
Ang baboy, marumi.
Ang mga youth, lalo na 'yung mga laman ng kalsada, sumisinghot ng kung ano, 'yung mga naglalakad sa dis-oras ng gabi, marumi.
Baboy, nakaka-highblood.
Youth, lalo na.
Pero sentro sa magarang handaan, ang (tadah!) litson at iba pang mga putaheng baboy.
Sa mga parish fiesta, school events, miting de avance, mga youth ang performers na nagpapa-alive at nagpapamangha.
Ang baboy, para pasayahin tayo, isusuko ang buhay.
Ang youth, para pasayahin ang ilang pulitiko, pinapatay--literally and figuratively.
The pig may not be the smartest animal. But it lays down its life to bring life--to a meal, to a party, to a celebration.
Young people, kung sasabayan at aakayin sa isang dakilang adhikain, kayang ibigay ang sarili hanggang sa huli upang magbigay buhay.
Tulad ni Jesus, Lord of both the pig and the youth.
Happy Year of the Earth Pig!
Happy Year of the Youth!
#EarthPig #2019YearOfTheYouth
*Originally posted on Facebook
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment