'yung pagkakaroon ng katrabahong nagpopost ng fake news;
'yung, kakapanibago lang natin ng pangako sa Binyag noong Linggo, clueless na agad tayo paano ba maging Kristiyano;
'yung nabubuong tunggalian ng Class E-D-C at Class B;
'yung, imbes na kapwa tao, classification na ang turingan;
'yung salitang kalye at usapang lasing ang maririnig mo sa talumpati o pampublikong diskurso;
'yung, people (fellow Catholics!) will reason: "Ano'ng mas gusto mo, madumi bibig pero may resulta, o diplomatiko nga magsalita pero tiwali naman?"--hindi ba dapat parehong inspiring ang salita at gawa?;
'yung "Katoliko ako, pero..." imbes na "Katoliko ako, kaya..."
Siguro, kaya kahit Easter na, kapiling pa rin natin si COVID19. Mukhang hindi pa siya tapos sa leksiyon niya sa atin... o kaya, mukhang hindi pa kasi natin niyayakap ang pahatid niya.
O kaya, tulad ng mga ninuno natin sa pananampalataya: hindi naman sila agad humayo at nagmisyon pagkatapos makita ang naigulong na bato at ang nakatuping kayong lino. May formation pa sila kay Kristo: finding joy and meaning amidst pain, breaking through closed doors, facing one's fears, getting rebuked for hardheadedness and hardheartedness, reviewing the Scriptures, encouraging each other, teaching and breathing peace to them, eating together, renewing their commitment, praying together and waiting for His Gift: the Holy Spirit.
Kapanalig, kalakbay, sama sama tayong maghintay--
not a careless or aimless waiting,
but a waiting in hope,
an active waiting where we strive
to form our faith and nurture our love--
para sa pagpanaog muli ng Espiritu Santo,
upang tayo man ay tumindig, tumaas, kasama ang kapwa,
at hilumin, pagningasin ang durog na puso.
Chapel of St. Joseph, Iloilo Festive Walk, Iloilo City |
Napakagandang pagninilay. Naniniwala ako na patuloy pa tayong hinuhubog ni Hesus na maging atin ang kanyang saloobin, prinsipyo at gawain.
ReplyDelete